Friday, March 8, 2013

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue





Five years later…

                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.

                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 

                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang bahay at pina-bless nang matapos ang kaso sa pagkamatay roon ng mag-ina ni Jay. Nanatili naman sa kulungan ang huli sa salang pagpatay kay Carlene at pagdukot sa kanila ni Jheymie. 

Thursday, March 7, 2013

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Fifteen




Inilagay ni Miguel ang bulaklak sa tabi ng lapida ng kanyang ama. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi noon. “Dad, palagi mong sinasabi na magiging okay lang lahat kasi andyan ka. Sana andito ka para sabihin sa akin na magiging okay din ang lahat. Dad, natatakot na ako ngayong di ko pa rin makita si Jheymie. What if something not good is happening to her right now? Dad, help me please?”

               He blew a deep sigh to remind himself that he should not cry over his father’s grave. “Sige na naman, Dad. Tulungan mo naman po akong hanapin ang apo nyo. Hindi pa ako lubos na nakakabawi kay Jheymie. I really can’t afford to lose her forever.”  Inalis niya ang mga damong nagkalat sa lapida ng libingan ng kanyang ama. “Dad, si Ayen… she’ll be okay right? Wag mo muna siyang kukunin, Dad. Losing another one from our family will entirely break me. Tulungan mo siya, Dad.”

                His visit to his father’s grave ended with prayers for his father’s soul. Nang makapagpaalam sa ama ay pinuntahan naman niya ang puntod ng ina ni Yumi. Ito ang unang pagkakataon na dinalaw niya ang puntod ni Nanay Crista mula nang mamatay ito.

                Inilagay niya ang bulaklak sa tabi ng lapida nito at nagdasal. Pagkatapos ay mataman niyang tinitigan ang lapida. “Nay Crista, sorry po. Hindi ko po naalagaan ng husto si Yumi. Sorry po kung nasa state of catatonic stupor pa rin po siya hanggang ngayon. Hindi ko po ginusto ang mga nangyari. Alam ko alam nyo kung gaano ko kamahal ang anak nyo. Habambuhay ko pong patutunayan iyon sa inyo. Nay, tulungan nyo akong mahanap ang apo nyo. Kailangan ko kayo…”

Sunday, February 24, 2013

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Fourteen




“Anong sinasabi nyong hindi nyo pa pwedeng hanapin ang mag-ina ko? Isn’t it clear enough that my wife and daughter are missing right now?!”

                Kasalukuyang nagwawala na si Miguel sa presinto sa Cebu. Wala ng paglugaran ang halu-halong panic, takot, pag-aalala na nararamdaman niya sa pagkawala ng mag-ina niya. At ang mga pulis na kausap niya ngayon ay parang walang pakialam at kampante pa.

                “Sir, wala pa pong twenty-four hours na nawawala ang mag-ina nyo. Sumusunod lang kami sa standard operation procedure, Sir,” anang pulis na kausap niya.

                “Damn that standard procedure! Hindi nyo ba naiintindihan ang sinabi ko? May kumuha sa mag-ina ko. At pag di pa tayo kumilos ngayon, we never know baka kung ano na ang ginawa niya sa pamilya ko.”  Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na sapakin ang pulis na kausap.

                “Sir, nakita mo ba na kinuha ang mag-ina mo?” sabat na tanong ng isa pang pulis.

                “No.”

                “Iyon po ang punto namin dito, Sir. Hindi nyo naman nakitang may pwersahang tumangay sa mag-ina nyo. Maari pong hindi kidnapping iyon. Ni wala po tayong suspek. Hindi rin po natin alam kung ano ang totoong nangyari sa mag-ina nyo—”

                “It’s your job! Kaya nga kayo pulis!”

Sunday, February 10, 2013

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Thirteen





A sweet smiled curved on Naiomi’s lips when she opened her eyes.  Si Miguel na himbing na himbing sa pagtulog sa tabi niya ang nag-good morning sa kanya. It was their first morning after their wedding rites. Finally, totoong-totoo na, legal na silang mag-asawa sa batas at sa mata ng Diyos. Ngayon, totoong Mrs. Naiomi Catacutan na siya… hindi dahil sa Casa de Yumi kundi dahil sa simpleng dahilan na  minahal nila ni Miguel ang isa’t isa.

 Miguel breathed, a sign that he was already half- awake. Iniyakap nito ang isang braso sa waist niya. Napangiti si Yumi.  Gumanti siya ng yakap dito plus halik sa ilong nito. Then he lazily opened his eyes. 

“Good morning, king arrogant Miguel!” She winked.

He gave her a quick kiss on lips. “Good morning, my talkative queen.” Pagkatapos noon ay niyakap lang siya uli nito. “A very good first morning isn’t it?”

“Yes.” Akmang babangon na siya nang pigilan siya nito. “I-check ko kung nakapagluto na si Alice.” Kasalukuyang nasa bahay ang pamilya ng all around julalay ni Miguel sa Cebu dahil dumalo ang mga ito ng kasal nila. 

“Mamaya na.Baka tulog pa rin ang mag-asawa. Alas singko pa lang naman,” katwiran ni Miguel. Wala ng nagawa si Yumi but to stay.  Nauwi lang tuloy silang dalawa sa titigan sa umaga. “Thank you for reminding me what love means, Yumi.” 

Sunday, January 6, 2013

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Twelve




Two years later…

               Nakatitig lang si Miguel sa picture nila ni Yumi sa desktop ng laptop niya. It’s been two years since they last saw each other. Two years na rin niya itong sinusuyo sa email pero ni isang reply, wala siyang nakuha. He tried to call her in any number she used to  have but all lines seemed to be disconnected. Nevertheless, he never stopped sending messages to her everyday via email. Hindi siya sigurado kung nababasa pa ba iyon ni Yumi o hindi. He was just damn frustrated to know where she was. Hindi nga niya alam kung paano siya naka-survive ng dalawang taon na malayo sa mag-ina niya.  Araw-araw siyang nag-aalala. Maya’t maya siyang nagdadasal para sa kaligtasan ng mag-ina niya.

                “Ayen, sa tingin mo anong itsura ng baby namin ni Yumi?”  tanong niya sa kapatid niyang abala sa pagluluto. Kasalukuyan siyang nakatambay sa kusina ng bahay ng kapatid.

                “Hmm, maganda siya at pogi ka.Malamang ang cute-cute ng baby nyo. Bakit naman kasi tinataguan ka pa rin ni Yumi?”

                He sighed. “If only I know the answer. Pinagdadamot na niya sa akin ang anak ko. I asked her for even five minutes of webcam call just for me to see my baby but she never replied. Nag-message na nga ako sa kanya kahapon. I begged for pictures of my baby. Kahit picture na lang muna. Malaman ko lang kung anong itsura niya. It’s been two years of heartbreaking days, Ayen. Ewan ko nga kung paano pa ako nakakagising sa umaga after ng magdamag na pag-iisip kung kamusta ba sila, nagkakasakit ba sila, nahihirapan ba si Yumi.”